Agosto 13, 1942 nang ipalabas ang Walt Disney animated film na “Bambi” sa mga sinehan sa America. Si Bambi, isang puting usa, ang tagapagmana ng kanyang ama sa pagpoprotekta sa kakahuyan mula sa paninira ng mga tao.
Kabilang sa iba pang karakter ay ang alagang koneho na si Thumper, skunk Flower, at ang matalinong Friend Owl.
Gustung-gusto ni Bambi na ilaan ang kanyang oras sa kanyang minamahal na ina. Sinasabi sa kanya ng kanyang ina na delikado ang mundo, at inabisuhan siyang mag-ingat palagi. Nadismaya ang mga manonood sa pagpatay sa ina ni Bambi ng hindi nakilalang hunter.
Maging ang Bambi ay nalugi, muli itong inilabas ng Walt Disney noong 1947, 1957, at sa mga sumunod pang taon. Ang pelikula ay halaw mula sa librong, “Bambi: A Life in the Woods,” ng Austrian author na si Felix Salten.