VANESS_pls crop copy

MAHUSAY na actress o kontrabida si Vaness del Moral. Produkto ng first batch ng Starstruck, wala pa yata siyang ginawang role na hindi siya nagtaray o nagpaiyak ng mga bida sa drama series na ginagawa niya.

Para kay Vaness, isa sa pinaka-memorable niyang project ang Encantadia na gumaganap siya bilang si Gurna, ang devil behind the role of Pirena na ginagampanan ni Glaiza de Castro. Napakarami na ng Encantadiks na nagagalit ngayon kay Vaness dahil sa pagiging primera kontrabida niya sa epic-serye.

“Alam ko pong maraming nagagalit sa akin, pero taos-puso pa rin ang pasasalamat ko sa kanila dahil napapansin nilang epektibo ang ginagawa ko,” sabi ni Vaness. “Thank you so much guys, dahil nabubuwist kayo sa akin. Actually natutuwa ako. ‘Pag pinapanood ko ‘yung character ko, natatawa ako. Isang beses pa lang akong pumupunta sa mall simula nang mag-start ang Encantadia, sa grocery pa lamang iyon.”

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Kaya ba niyang salubungin ang galit ng fans kapag sinugod siya paglabas niya!

“Hindi ko rin alam kung ano’ng gagawin ko. Hindi ko sure kung paano ko siya iha-handle, kaya so far, bihira talaga akong lumabas ng bahay, kapag pumupunta lang ako sa taping. Hindi ako lumalabas kapag wala akong kasama. Usually, kung lalabas ako isinasama ko ang boyfriend ko, para may magtatanggol sa akin. Pero alam ko po na mababait ang mga fans, wala silang gagawing masama sa akin, alam nilang trabaho lang iyong ginagawa ko at sumusunod lang ako sa sinasabi sa script at ng aming director, si Mark Reyes.”

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7. (NORA CALDERON)