RIO DE JANEIRO (AFP) – Nabuhayan ang sisinghap-singhap na kampanya ng London Olympics silver medalist Spain nang gapiin ang Nigeria, 96-87, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa men’s basketball preliminary.

Natuldukan ng Spain, runner-up sa all-NBA USA Team sa nakalipas na dalawang Olympics, ang losing skid sa dalawang laro at nabigyan ng pagkakataon ang kampanya na makausad sa quarterfinals.

Laglag na ang Nigeria tangan ang 3-0 karta sa Group B.

Hataw si Pau Gasol sa naiskor na 16 puntos, habang kumana si guard Ricky Rubio ng 15 puntos sa larong nagsimula na bakante ang Coliseum.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naging mahigpit ang seguridad sa Olympic village matapos ang isang pagsabog na inakalang nagmula sa bomba.

“We heard the explosion. We didn’t know exactly what it was. We just kind of looked around and said, ‘What’s going on?’” sambit ni Gasol.

“We thought maybe nobody came to watch the game. Officials told us to be calm, saying it was just a precaution, so it wasn’t really a big deal,” aniya.

Ratsada naman si Bojan Bogdanovic ng game-high 33 puntos para sandigan ang Croatia sa 80-76 panalo kontra Brazil.

Nanatili namang malinis ang karta ng Lithuania sa 3-0 nang pabagsakin ang Argentina, 81-73, sa Group A match.

(Isinalin Ni Lorenzo Jose Nicolas)