Sampung international flights ang na-delay at dalawang paparating na flight ang pinalapag sa Clark International Airport, matapos na ma-flat ang gulong ng Air Force Fokker F27 na sinakyan ni Malacañang Spokesman Ernesto Abella.

Ang insidente ay naganap dakong 8:40 ng gabi noong Miyerkules, kung saan tumagal ng isang oras ang paghatak na ginawa sa Fokker plane, ayon pa sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Nabatid na galing sa Cebu ang Fokker plane na nang lumapag ay sumabog ang gulong sa runway 06-24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nagbunsod ito ng delayed flight at apektado ang Xiamen Air, United Airlines, Tiger Air Qatar Airways, Oman Air, Japan Airlines at China Southern Airlines. Na-divert naman ang Philippine Airlines flight PR 307 mula Hong Kong at All Nippon Air (ANA) mula Japan. (Ariel Fernandez)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists