Isa sa mga solusyon para maibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila ay ang pagbubukas ng subdivision roads sa publiko.

Ito ang pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa idinaos na pagdinig ng Senate Committee on Public Services hinggil sa panukalang emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Tugade, dapat buksan ang subdivision roads lalo na sa rush hour, isang paraan para may malusutan ang bulto-bultong sasakyan na nagsasabay-sabay sa kalsada.

Dahil dito iminungkahi ni Sen. JV Ejercito na imbitahan ang housing sector o ang mga assosasyon ng mga subdivision sa susunod na pagdinig.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Isa pang suhestiyon kay Committee chairperson Sen. Grace Poe, ang full operation ng Clark Airport sa Pampanga, Subic Airport sa Zambales at Laoag Airport sa Ilocos Sur.

Kaugnay nito, sinabi ni Tugade na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Local Government Units LGUs) ang may saklaw sa trapiko sa Metro Manila at hindi ang Department of Transportation (DOTr). (Leonel Abasola)