HONG KONG (Reuters) – Maingat na pinatibay ng Vietnam ang ilan sa mga isla nito sa pinagtatalunang South China Sea, nilagyan ng mga bagong mobile rocket launcher na kayang tirahin ang mga paliparan at military installations ng China sa kabilang ibayo, ayon sa Western officials.

Sinabi ng mga diplomat at military officers sa Reuters na ayon sa intelligence, patagong itinawid ng Hanoi ang mga launcher mula sa Vietnamese mainland patungo sa mga posisyon sa limang base sa Spratly islands nitong mga nakalipas na buwan, isang hakbang na lalong magpapatindi ng tensiyon sa Beijing.

Sinabi ng Foreign Ministry ng Vietnam na “inaccurate” ang impormasyon, ngunit hindi na ito nagbigay ng paliwanag.

Naniniwala ang foreign officials at military analysts na ang mga launcher ay bahagi ng state-of-art EXTRA rocket artillery system na kamakailan ay nabili ng Vietnam sa Israel.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Ang EXTRA rounds ay highly accurate hanggang sa layong 150 km, na may iba’t ibang 150 kg warheads na kayang magdala ng malalakas na pampasabog o bomblets para sabay-sabay na atakihin ang maraming target. Kaya nitong patamaan ang mga barko at target sa lupa. Gumagamit din ito ng compact radars na hindi na kailangan ng malaking operational footprint – na akma rin para sa deployment sa maliliit na pulo at bahura.

Nakaposisyon ang mga launcher may 3,000-metro ang layo mula sa mga paliparan at istruktura ng China sa Subi, Fiery Cross at Mischief Reef.

“When Vietnam acquired the EXTRA system, it was always thought that it would be deployed on the Spratlys...it is the perfect weapon for that,” sabi ni Siemon Wezeman, senior arms researcher sa Stockholm International Peace Research Institute (SIPRI).

Bukod sa EXTRA, ang Vietnam ay mayroon na ring mas malalaki at mas mahahabang Russian coastal defence missiles.