CABIAO, Nueva Ecija - Kasong estafa at paglabag anti-pilferage law ang kinahaharap ng tatlong kawatan makaraang maaktuhan umano sa pagtatanggal ng mga metro ng kuryente mula sa mga poste sa Gapan- Olongapo Road sa Barangay San Fernando Norte sa bayang ito, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Cabiao Police ang mga naaresto na sina Noel Libiternos, 58, may asawa, ng Dasmariñas, Cavite; Ricardo Suelto, 35, ng San Pablo City, Laguna; at Bernardo Asio, 62, binata, ng San Pedro, Laguna.

Ayon kay Ronaldo Relucio, chairman ng Bgy. Polilio, nagpapatrulya sila nang maaktuhan umano ang mga suspek na nagbabaklas ng mga kontador sa poste. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog