CANBERRA (Reuters) – Sinabi ng Australia noong Biyernes na ititigil na nito ang pagpopondo sa mga operasyon ng relief group na World Vision sa Palestinian Territories matapos ilipat ng kinatawan sa Gaza ang milyun-milyong dolyar sa kamay ng militanteng grupo na Hamas.
Si Mohammad El Halabi, manager of operations ng World Vision sa Gaza, ay inaresto ng Israel noong Hunyo 15 habang tumatawid sa hangganan papasok sa teritoryo na hawak Hamas, na kabilang sa terrorism blacklists ng Israel at U.S.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng Israeli security, matagal na nilang minamanmanan si Halabi, na umaming nagpapadala ng $7.2 million bawat taon sa Hamas.
Ikinagulat ng World Vision ang balita habang itinanggi ng Hamas na may koneksyon sila kay Halabi.