Hindi lubos maisip ng isang Grade 6 student na mapapahamak siya sa panonood ng rambulan ng dalawang grupo ng kabataan matapos madaplisan ng ligaw na bala sa isang overpass sa Tondo, Manila, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Gat Andres Bonifacio Medical Center si John Michael Uba, 11, Grade 6 student sa Amado Elementary School, at residente ng Tambakol St., Happy Land, Tondo, Manila, nang tamaan ng bala baril ang kanyang kaliwang hita.

Sa ulat ni Police Supt. Redentor Ulsano, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, nabatid na nangyari ang insidente dakong 10:45 ng gabi, sa harapan ng 2GO Shipping Lines, na matatagpuan sa Road 10, Tondo.

Base sa salaysay ng biktima, nakatayo lamang siya at pinapanood ang dalawang grupo ng gang na nag-aaway sa isang overpass sa Road 10, nang marinig niya ang sunud-sunod na putok ng baril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagulat na lamang umano ang biktima nang maramdamang namamanhid na ang kanyang tuhod hanggang sa tuluyan na siyang mapatumba sa semento.

Napansin naman kaagad ng mga opisyal ng Barangay 105 ang pangyayari kaya’t agad nilang isinugod ang biktima sa naturang pagamutan. (Mary Ann Santiago)