URDANETA CITY, Pangasinan - Pinaniniwalaang nabuwag na kahapon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 at ng Urdaneta City Police ang tinaguriang drug den sa Barangay Camantiles sa lungsod na ito, na nasa 10 taon nang nag-o-operate.
Pinangunahan nina PDEA-1 Director Jeofftey Tacio at Urdaneta City Police chief Supt. Marceliano Desamito, ang pagbuwag sa drug den na ginagamit ng halos 200 bumibili ng droga o nagpa-pot session sa araw-araw.
Ayon sa PDEA, naging madali ang pagbuwag sa 30 barung-barong na ginagamit na drug den dahil boluntaryong binaklas ang mga ito ng mga hinihinalang sangkot sa droga. (Liezle Basa Iñigo)