SA tagumpay ni Pangulong Duterte na pakiusapan ang dating pangulo na makipag-ugnayan sa China upang plantsahin ang gusot, may posibilidad na pakiusapan si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na maglingkod bilang Philippine Mission Ambassador sa United Nations (UN).

Sa kanyang mga naabot, kuwalipikasyon, karanasan at pagbabago, si dating Pangulong GMA (kasalukuyang congresswoman) ay suwak para sa UN post.

May posibilidad din na si Hilary Clinton, asawa ni dating US president Bill Clinton, kaklase ni GMA sa Georgetown University, ay mahalal na pangulo ng United States of America.

Kapag nangyari ito at pumayag si GMA, magkakaroon ng mas maraming ugnayan ang ating bansa sa international affairs na makatutulong sa bawat isa sa atin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa pamamagitan nina FVR at GMA sa pagpapalaganap ng interes ng Pilipinas sa global arena, nasisiguro ko na makaaasa tayo ng mas magandang imahe sa iba’t ibang bansa.

Ibinabahagi ni Pepe Rodriguez, isang beteranong manunulat ng Spanish origin at dating pangulo ng Manila Overseas Press Club (MOPC), an gating obserbasyon tungkol kina FVR at GMA.

Positibo ang pananaw ni Pepe sa posibilidad na pagganap ni GMA sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Si Don Pepe, ang tawag namin sa kanya, ay isa na ngayong mamamayang Pilipino. Siya ay kasal kay Lulu Coching, isang portrait artist. Siya ang anak ng National Artist na si Francisco V. Coching.

Si Ariel Abriam, isang retiradong US Naval Officer at operator ng sikat na Ariel’s Point na matatagpuan sa Buruanga, Aklan, malapit sa isla ng Boracay, ay tutol sa konstruksiyon ng dalawang kilometrong tulay na magkokonekta sa isa sa mga pangunahing destinasyon sa bansa, ang isla ng Boracay patungong Panay.

Sa pagkakaalam ko, sina Aklan Gov. Joeben Miraflores at Congressman Lito Marques ng Aklan ay parehong tutol sa plano ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation na itayo ang nasabing tulay. Sa ngayon ay tutol dito si Gov. Miraflores.

Gayunman, bukas umano siya sa ideya na pag-aralan ang nasabing proposal ni RSA.

Pinanigan din ni Congressman Marquez, dating gobernador ng Aklan, ang boses ng Boracay Foundation, Inc. (BFI) na tutulan ang plano ng San Miguel, ang operator ng Caticlan airport.

Charter change.

Walang duda na kailangang rebisahin ang ating Konstitusyon. Walang problema sa akin kung paano ito babaguhin; sa pamamagitan ng Constitutional Convention o sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

Ang inaalala ko lamang ay kung magiging Con-Ass na ito ay magiging kumplikado sa posibilidad na mga pansariling interes na lamang ng mga miyembro ng Kongreso at Senado ang mangibabaw. (Johnny Dayang)