Hindi na makararanas ang mga magsasaka ng sobrang pagkalugi sa aanihing palay bunsod ng kalamidad o krisis.

Naghain si Rep. Arthur C. Yap (3rd District, Bohol) ng House Bill 40 upang gawing mandatory o sapilitan ang pagkakaroon ng seguro sa palay at iba pang mahahalagang pananim.

Ang National Food Authority (NFA) ang kukuha ng seguro para sa mga magsasaka na hindi ito kakayanin.

Sinususugan ng panukala ang Presidential Act 1467, na inamyendahan ng Republic Act 8175 (Revised Charter of the Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Act of 1995), na nagsasaad na dapat ipagkaloob sa mga magsasaka ang partisipasyon sa insurance o seguro sa palay at iba pang pananim. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'