Hinatulan ng Sandiganbayan ng apat na taong pagkakakulong ang isang dating alkalde ng Camarines Sur dahil sa pag-aapruba ng disbursement vouchers kahit siya ay suspendido.
Si dating Tinambac, Camarines Sur mayor Rosito Velarde ay napatunayang nagkasala sa kasong two counts of Usurpation of Official Function alinsunod sa Article 177 ng Revised Penal Code (RPC) nang aprubahan nito ang apat na disbursement voucher noong Hulyo 2006 kahit isinailalim na siya sa 3-buwang preventive suspension ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa reklamong grave abuse of authority. - Rommel P. Tabbad