Isasalang ng Makati Public Safety Department (MAPSA) sa refresher course sa good manners and right conduct (GMRC) ang 600 traffic enforcers nito matapos ulanin ng reklamo sa social media.
Binatikos ng netizens ang traffic enforcers ng MAPSA dahil pinapayagan ng mga ito ang motorcycle riders na walang suot na helmet, inaakusahan ng maling panghuhuli, pangongotong at kawalan ng modo.
Bunsod nito, inutos ni Makati City Mayor Abigail “Abby” Binay ang re-training ng traffic enforcers upang maging propesyunal at matuto sa mabubuting asal simula Agosto 27 hanggang Setyembre 17 ngayong taon. (Bella Gamotea)