Malinaw ang misyon ni Jayson Castro ngayong 2016 PBA Governors Cup para sa Talk N Text at ito’y ang magwagi ng kampeonato.

Kaya naman hindi nakakapagtaka kung magtala si Castro ng mga numerong kahalintulad ng ginagawa ng mga imports sa ginaganap na season-ending reinforced conference.

Pinakahuli niyang itinalang statistics ay kinabibilangan ng 26 na puntos, 10 assist, limang steal at apat na rebound, kabilang ang isang krusyal na free throw na nagpanalo sa TNT sa makapigil-hiningang 120-118 desisyon sa Alaska noong nakaraang Biyernes sa Antipolo.

Tinaguriang “Blur”, si Castro ang nasa sentro ng opensiba ng Katropa sa fourth canto sa iniskor nitong siyam na puntos na kinabibilangan ng dalawang three-pointer.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Dahil dito, tabla na ang Katropa sa Mahindra Enforcer, habang nakamit ni Castro ang Accel-PBA Press Corps Player of the Week citation, matapos ungusan sina Ginebra forward Japeth Aguilar, Rain or Shine guard Paul Lee, at San Miguel Beer big man June Mar Fajardo. (Marivic Awitan)