020816_GalardeBurial_Cruz-17 copy

Naging madamdamin ang paghahatid sa huling hantungan ng siklistang si Mark Vincent Garalde sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Bago ang libing, na dinaluhan ng pamilya at mga kaibigan ni Garalde, gayundin ng mga nakikidalamhating siklista, ay nagdaos ng misa sa Quiapo Church dakong 7:00 ng umaga.

Matapos ang misa ay sinimulan na ang funeral convoy, ngunit bago tuluyang nagtungo sa Loyola Memorial Park ay tumigil muna ito sa P. Casal St., sa Quiapo, kung saan naganap ang krimen, para makapagtirik ng kandila ang mga kaanak ni Garalde.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpalipad din ng mga puting lobo ang pamilya at mga kaibigan ng biktima bago ito tuluyang inilibing.

Si Garalde ay binaril at napatay ng army reservist na si Vhon Martin Tanto na nag-ugat sa away-trapiko noong Hulyo 25.

Kasalukuyang nakadetine si Tanto sa Homicide Section ng Manila Police District. (Mary Ann Santiago)