Tokyo (Reuters) – Nagpahayag ng labis na pagkabahala ang Japan sa annual defense review nito noong Martes sa nakikitang pananakot at pamimilit ng China na labagin ang mga pandaigdigang patakaran sa pagharap sa ibang nasyon.

Inilabas ng Japan Defense ang White Paper sa gitna ng mataas na tensiyon sa Asia halos isang buwan matapos ipawalang-bisa ng isang arbitration court sa Hague ang malawakang pag-aangkin ng China sa pinagtatalunang South China Sea, sa kaso na isinulong ng Pilipinas.

Sa defense review na inaprubahan ng gobyerno ni Prime Minister Shinzo Abe, nagbabala ang Japan na ang “unintended consequences” ay maaaring magresulta sa pilit na pagwawalang-bahala ng Beijing sa mga pandaigdigang patakaran.

“China is poised to fulfill its unilateral demands without compromise,” sinabi ng gobyerno sa review.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina