HONG KONG (Reuters/AP) – Hinagupit ng bagyong Nida ang Hong Kong noong Martes, pinaralisa ang halos buong financial hub sa lakas ng hangin at daan-daang biyahe ng eroplano ang naantala, habang binaha ang mabababang lugar.

Ang unang malakas na bagyong tumama sa Hong Kong ngayong taon ay nagdala ng hangin na mahigit 100 km per hour matapos unang tumama sa Guangdong province ng China at nagtulak sa Hong Kong observatory na maglabas ng amber warning, pahiwatig ng malakas na ulan dakong 5:20 ng umaga sa Hong Kong.

Mahigit 150 flights ang kinansela, sinabi ng Airport Authority, habang nagbabala ang Cathay Pacific at Dragonair na wala sa kanilang mga eroplano ang aalis hanggang 2 :00 ng hapon Daan-daang pasahero ang stranded sa airport at 290 flights ang naantala.

Kanselado rin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat at ground transport. Wala ring pasok sa eskuwela.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naantala ang morning trading sa securities market ng Hong Kong Exchanges and Clearing Limited (HKEX), kabilang na ang Shanghai-Hong Kong Stock Connect trading, at derivatives market dahil sa paglabas ng Typhoon Signal No. 8.

Halos walang tao sa mga lansangan at mga tindahan simula noong Lunes ng gabi nang ibinaba ang babala ng bagyo at maagang nagsiuwian ang mga tao.

Pagsapit ng tanghali, inalis ng Hong Kong observatory ang rainstorm warning ngunit pinayuhan ang mga tao na maging alerto sa pag-apaw ng ilog.