OMAHA, Neb. (AP) – Sinabi ng bilyonaryong investor na si Warren Buffett na gagawin niya ang lahat para matalo si Donald Trump.

Nangangampanya kasama si Hillary Clinton sa Nebraska noong Lunes, tinuligsa ni Buffett ang business record ni Trump, kinuwestyon ang mga pagkalugi nito at kung bakit ayaw ilabas ng Republican presidential candidate ang tax returns nito.

Kasunod nito ay inanunsiyo ng binansagang “Omaha Oracle” ang kampanyang “Drive 2 Vote,” para ihatid sa polling stations ang mga botante sa second congressional district ng Nebraska, na nagbibigay ng single Electoral College vote sa district winner.

“I will take at least 10 people to the polls who would otherwise have difficulty getting there,’’ sabi ni Buffett, determinadong makuha ang pinakamataas na percentage turnout sa alinmang congressional district sa bansa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Let’s give America a civics lesson,” aniya.