Mas malaki ang responsibilidad sa kalikasan ng mga mauunlad na bansa kumpara sa mahihirap kaya’t ang mga ito ang dapat na bumalikat sa malaking pagbawas sa green houses gas (GHG) emission.
Nilinaw ni Senator Loren Legarda na sa kaso ng Pilipinas, pwede naman tayong makaagapay sa pag-unlad kung ikukonsidera natin ang paggamit sa low carbon economy alinsunod sa Paris Agreement on Climate Change.
“There is no provision in the Paris Agreement that would prevent our industrialization. The Agreement also obliges developed nations to assist us and other developing countries, through financial and technical support, in preparing for natural hazards, reducing disaster risks, addressing climate change impacts, and moving towards a low carbon economy,” ani Legarda. (Leonel M. Abasola)