ROUEN, France (AFP) – Dumalo ang mga Muslim sa Katolikong misa sa mga simbahan sa palibot ng France noong Linggo upang makiisa at makiramay kasunod ng brutal na pagpatay ng mga jihadist sa isang pari nitong nakaraang linggo.

Mahigit 100 Muslim ang kabilang sa 2,000 mananampalataya na dumagsa sa 11th-century Gothic cathedral ng Rouen, malapit sa bayan ng Normandy kung saan ginilitan ng dalawang jihadi ang leeg ng 85-anyos na si Father Jacques Hamel.

Tumugon ang mga Muslim sa panawagan ng French Muslim council CFCM upang ipakita ang “solidarity and compassion” kaugnay sa pagpatay sa pari noong Hulyo 26.

Marami ang naluha sa sign of peace, isang regular na bahagi ng liturhiya kung kailan nagbabatian ang mga mananampalataya sa pagbeso at pagkamay sa isa’t isa.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture