Naniniwala si Sen. Panfilo M. Lacson na igagalang din ng China kalaunan ang desisyon ng United Nations’ Permanent Court on Arbitration (PCA) na walang basehan ang makasaysayang pag-aangkin nito sa South China Sea.

Sinabi kahapon ni Lacson na hindi mapupunta sa wala ang tagumpay ng Pilipinas sa makasaysayang desisyon dahil napakalinaw ng hatol.

Ipinaliwanag ni Lacson na 95 porsiyento ng mga desisyon ng arbitral tribunals tulad ng International Court of Justice (ICJ) ay sinunod din kalaunan ng mga natalong partido na noong una ay nagbantang tatalikod o magmamatigas.

Ayon kay Lacson, maaaring ikampanya ng Pilipinas sa ibang bansa na himukin ang China na igalang ang hatol ng PCA.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“This is where we can exploit the situation. Not in a negative way. Exploit the situation to hasten compliance (ng China sa hatol ng PCA). We should also campaign other countries so that it would be shown that we are going after China in terms of economic sanctions or military action. Pero mere pressure implied or direct pressure by the whole world,’’ diin niya. (Mario B Casayuran)