Hindi na uubra pa ang mga kaskasero sa kalye matapos na maging batas ang panukalang lagyan ng speed limiter device ang public utility vehicles (PUVs).

Ang Republic Act No, 10916 o Speed Limiter Act na isinulong ni Senator Joseph Victor Ejercito ay naglalayong iwasan ang paglobo ng bilang ng mga aksidente sa kalsada.

“I am very pleased with its enactment. I believe that it is long overdue especially with the number of accidents recorded in the past years because of speed driving,” ayon kay Ejercito.

Samantala hinihintay na lamang ang implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas na babalangkasin naman ng transportation department.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“Let’s save lives, it’s high time to impose discipline on our roads,” ani Ejercito.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang masasangkot sa tampering ng nasabing device ay mahaharap sa pagkakulong ng hindi bababa sa anim na buwan hanggang tatlong taon. (Hannah L. Torregoza at Leonel Abasola)