Kahit nasa proseso pa ng pagtitipon ng mga ulat mula sa field, inaasahan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na aabot sa tatlong milyon ang bilang ng mga botanteng nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre 31.

“I think we will reach 3 million additional registered voters,” aniya sa isang panayam kahapon, binanggit ang pagdagsa ng mga botante sa mga lokal na opisina ng Comelec lalo na sa huling dalawang araw ng pagpapatala.

Nagsara ang voter registration noong Sabado, Hulyo 30.

Upang matiyak na walang double o multiple registrations, isasailalim ang mga bagong aplikante sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS) bukod pa sa mga pagdinig na isasagawa ng Election Registration Boards (ERB) na mag-aapruba o magbabasura sa mga application for voter registration ngayong buwan. (Leslie Ann G. Aquino)

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao