RIO DE JANEIRO (AP) — Binuo ng International Olympic Committee (IOC) ang three-person panel para magdesisyon kung sinong indibiduwal na atleta ng Russia ang pormal na papayagang lumaro sa Rio Olympics.

Napagdesisyon ang three-personal panel sa pagpupulong ng IOC executive board nitong Sabado (Linggo sa Manila), halos isang linggo bago ang opening ceremony ng quadrennial Games.

“This panel will decide whether to accept or reject that final proposal,” pahayag ni IOC spokesman Mark Adams.

“We want to make it absolutely clear that we are the ones making the final call.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang naturang aksiyon ay resulta sa isyu ng total ban na inihain ng World Anti-Doping Agency (WADA) sa Team Russia matapos ang kontrobersyal na state-sponsored drug cheating.

Mahigit 100 atleta ng Russia, kabilang ang buong delegasyon ng athletics, na direktang sangkot sa doping ang pinigalan na lumahok sa Rio. May kabuuang 250 naman ang pinayagan base sa rekomendasyon ng kani-kanilang international sports federation at ang ilan ay dumating na sa Rio para makapaghanda.

“We’re working on a very, very tight timeline,” sambit ni Adams.

“It has to be finished by Friday at the very latest.”

Binubuo ang panel ng tatlong miyembro ng executive board na sina Ugur Erdener ng Turkey, chairman ng IOC medical commission; Claudia Bokel ng Germany, chairman ng athletes’ commission; at Juan Antonio Samaranch Jr. ng Spain, vice president ng modern pentathlon federation.

Ayon kay Adams, bubusisiin ng panel ang record ng mga atleta na pinayagan ng international federation, ngunit hindi na bubuhayin ang isyu ng mga atleta na may nakabinbin na kaso.

“This review board panel will look at every single decision, every single athlete, to make sure the IOC is happy with the decision that’s been taken. it’s very important that the IOC makes the final decision based on independent advice,” ayon kay Adams.