Nabigo si Pinoy fighter Raymond Tabugon na mapalinya sa mga kababayan niyang world champion nang matalo via fifth round stoppage kay Makazole Tete ng South Africa sa kanilang duwelo para sa bakanteng IBF Intercontinental junior bantamweight title nitong Linggo, sa Orient Theatre sa East London.

Matapos ang palitan ng bigwas sa unang round, natamaan ni Tabugon si Tete nang malakas na kanan sa ulo na ikinahilo nito, subalit binawasan ng puntos ang Pinoy fighter ni referee Deon Dwarte.

Sa sumunod na round, nakabawi si Tete, subalit nanatiling matikas si Tabugon.

Sa round five, nakasilip ng pagkakataon ang local star ang nabigyan ng kombinasyon si Tabugon na ikinatiklop ng tuhod nito. Nagawang makabangon ng Pinoy, subalit hindi na siya tinantanan ng karibal sapat para itigil ng referee ang laban may dalawang minuto at 15 segundo sa naturang round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bunsod ng panalo, nahila ni Tete ang ring record sa 16-1-1, habang bagsak si Tabugon sa 18-5-1, kabilang ang walong TKO.