Magiging doble ang sahod ng mga pulis, guro at sundalo sakaling maipasa na ang Senate Bill No. 90 o Salary Standardization Law na isinampa ni Senator Antonio Trillanes IV.

Nakasaad sa kanyang SBN 90, na ang base pay ng mga kawani na may pinakamababang salary grade o Salary Grade 1 ay makatatanggap ng P18,956 mula sa kasalukuyang P9,478; at ang mga kalihim ng mga ahensiya ay makakukuha ng P585,430 mula sa kasalukuyang P117,086. Sa mga sundalo at pulis, ang mga may ranggo na Private/Police Officer ay makakakuha ng P35,460 mula sa P14,834; ang mga General/ Director General ay sasahod ng P481,770 mula sa P67,500.

Ayon kay Trillanes ito ay alinsuond sa pangako ni Pangulong Duterte na kasama ang mga guro, sundalo at pulis sa higit dobleng pagtaas ng suweldo. - Leonel M. Abasola

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern