MEXICO CITY (AP) – Labing-anim katao ang minasaker sa magkatabing estado ng Michoacan at Guerrero sa Mexico.

Ayon sa pahayag ng Michoacan state prosecutors’ office, siyam na bangkay ang natagpuan sa loob ng isang SUV sa munisipalidad ng Cuitzeo sa lugar na malapit sa mga pipeline ng state oil company na Petroleos Mexicanos. Pinaghihinalaang pinatay sila dahil sa pagnanakaw ng panggatong.

Noong Sabado rin natagpuan ng state prosecutors sa Guerrero ang pitong katao, kabilang ang dalawang bata, na binaril at napatay sa magkakatabing bahay malapit sa Tepecoacuilco de Trujano. Ang pito ay pawang miyembro ng iisang pamilya.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo