Inihayag kahapon ng Department of Tourism (DoT) na sa Pilipinas na idaraos ang susunod na Miss Universe pageant, na isasagawa sa Enero 30, 2017.
“We have a President who comes from Mindanao, and our Miss Universe is from Mindanao, so I think this is the best time for us to do the Miss Universe here in the Philippines,” sabi ni Tourism Secretary Wanda Teo.
“So I would like to inform everybody that the Miss Universe beauty pageant will be on January 30, 2017 here in the Philippines.”
Kaugnay nito, nilinaw ni Teo na walang gagastusing kahit ano ang gobyerno sa naturang international pageant dahil sasagutin, aniya, ito ng pribadong sektor.
Samantala tinatayang US $11 million ang magagastos sa nasabing patimpalak na idaraos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang Pinay na si Pia Wurtzbach, ang kinoronahang Miss Universe 2015 sa pageant na ginawa sa Amerika noong Disyembre.
Taong 1974 at 1994 idinaos sa Pilipinas ang prestihiyosong pageant. (MARY ANN SANTIAGO)