Tuluyan nang nadakip ang lalaking tumangay umano sa payroll money na ipasasahod sa kanyang mga kasamahan, matapos matiyempuhan sa Valenzuela City nitong Miyerkules ng umaga.

Si Antonio Rivera, 38, residente ng No. 42 Riverside, Barangay Malanday ng nasabing lungsod, ay naaresto ni PO3 Roberto Santillan sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Bgy. Karuhatan, Valenzuela City, dakong 10:00 ng gabi.

“Natiyempuhan ko rin. Lagi ko siyang (suspek), pinopostehan buti naman at nahuli ko rin,” ani PO3 Santillan.

Sa rekord ng pulisya, tinangay umano ni Rivera ang perang pampasahod sana sa kanyang mga kasamahan na aabot sa P50,000 noong Enero 2016.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Simula noon ay hindi na umano pumasok at nagtrabaho sa tanggapan si Rivera. (Orly L. Barcala)