KAISA ako sa ilan nating mga kababayan, partikular na ang mga kasamahan ko sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa malugod na bumabati sa pagkakaluklok kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel bilang Senate president.

Sa pagkakatatag ng Philippine Senate, bilang anak ng dating Senate president, ay umangat na tungo sa presidency of the Chamber. Wala pang mag-ama na naluklok bilang Senate president sa kasaysayan sa loob ng 100 taon.

Isang bar topnotcher, Koko kung tawagin ng nakararami ay anak ni dating Senate president Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. Si Koko ay ipinanganak at lumaki sa Mindanao.

Si Nene, isa sa mga kasamahan ko sa provincial-based media na kilala bilang “as he last statesman at the Senate” ay nagsilbing moderator noong nagtuturo pa siya sa Cagayan de Oro.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Noong ako pa ang OIC Mayor ng Kalibo, inatasan ako ni Nene na tumulong sa pag-oorganisa sa PDP-Laban sa Aklan.

Samantala, ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay para sa mga mamamayang Pilipino.

Hindi lang ito para sa mga senador, congressman, local government executive, elitista, at diplomatic corps—ito ay para sa hoi-polloi.

Ilan sa mga highlights ng SONA:

Respeto sa desisyon ng UN-backed Permanent Court of Arbitration (PCA);

Unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF;

Application of full force ng AFP sa Abu Sayyaf criminals;

Emergency powers upang maresolba ang problema sa trapiko;

DILG nationwide information campaign sa federalism

Binabati ko ang magulang ni Gianna, ang nag-iisa kong apo. Siya ay mag-iisang taon na sa Linggo, Hulyo 31. Ang kanyang magulang ay sina lawyer Roderick Fernando at Geraldine Dayang-Fernando. Ang selebrasyon ay gaganapin sa Ayala Ballroom, Makati Sports Club, Salcedo Village, Makati sa Linggo. (Johnny Dayang)