Naninindigan ang isang kongresista na dehado ang Pilipinas kung tatalima ito sa Paris climate change agreement.

Binigyang-diin ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang nauna na niyang pagpuna sa nasabing makasaysayang kasunduan na nabuo sa France noong Disyembre 2015 na alinsunod sa climate change agreement, inililipat sa mahihirap na bansa ang pananagutan sa pagbabawas ng carbon emissions, na kagagawan naman ng mayayamang bansa.

Ito ang naging pananaw ng mambabatas bilang dating co-chairman at kinatawan ng Southeast Asia sa Green Climate Fund Board ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Aniya, ang sinasabing “well below 2°C limit” na pagtaas ng temperatura ay higit na matindi ang magiging epekto sa mahihirap na bansa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Hindi tayo dapat sumali sa COP21 Paris Agreement. Tiyak na dehado at talo tayo sa ilalim nito, dahil kahit tumupad sa kanilang mga pangako ang mahihirap na bansa, wala ring magiging saysay ang mga sakripisyo nila,” ani Salceda.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na hindi tutupad ang Pilipinas sa nilagdaan nitong Paris climate change agreement.