HEART copy copy

ANG daming ginagawa ni Heart Evangelista at nakakainggit dahil nagagawa niya lahat nang hindi man lang siya napapagod at nai-stres. O baka magaling lang siyang magtago ng kapaguran at stress.

Grabe ang energy ng misis ni Sen. Chiz Escudero dahil bukod sa taping ng Juan Happy Love Story, inaasikaso rin niya ang release ng kanyang coffee table book at cook book. Ang release ng dalawang libro ang rason kaya nakita siya sa ABS-CBN compound. May meeting siya sa ABS-CBN Publishing na magre-release ng mga ito. Akala ng Kapuso fans ng aktres, aalis na siya sa GMA-7 at natuwa naman ang Kapamilya fans sa inakalang babalik na siya sa Dos.

Bukod sa mga nabanggit, inaasikaso pa ni Heart ang art exhibit niya sa September 3 na ang 48 Hermes bags na pinintahan niyang ang itatampok. Sa showroom ng Volkswagen sa The Fort ito gagawin at dahil Hermes bags ang exhibit, kailangan ng tripleng security.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, katabi si Dennis Trillo, inamin ni Heart na hindi na siya naiilang makipag-kissing scene sa aktor. Hindi gaya sa mga naunang taping days nila na nahiya at nailang pa siya.

“Ngayon hindi na ako nahihiya sa kissing scene, nasanay na ako at kahit si Chiz nasanay na ring mapanood akong nakikipag-kissing scene kay Dennis. Updated siya sa story ng Juan Happy Love Story at sad siyang magtatapos na kami.

Gusto niyang magkaroon kami ng sitcom ni Dennis,” wika ni Heart.

Nagustuhan at nag-enjoy si Heart sa naughty rom-com series at gusto niyang magkaroon ito ng part two.

“Gusto ko sana sa ending namin sa end ng August hindi kami magkatuluyan ni Juan (Dennis) para may part two.

Nakakatuwa, involved ang viewers sa mga karakter ng show. Ang sarap din nitong gawin dahil very light lang at masaya sa set,” pagtatapos ni Heart. (NITZ MIRALLES)