Naglabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng memorandum na nagbabawal sa “endo” o anim na buwang pangongontrata ng trabaho na nakasanayan ng ilang kumpanya.

Nakasaad sa memo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bawal ang pangongontrata ng mga trabahador ng mga kumpanya o establisimyento, gayundin ang outsourcing ng mga empleyado partikular sa mga mall, food chain at hotel. Ang kumpanya na lalabag sa batas na ito ay hindi papayagang makapag-renew ng lisensya.

Hindi kasama sa memo ang mga may fixed term contract o mga proyekto na nakabatay lamang sa maikling panahon.

Kasabay nito, tiniyak ng Employers Confederation of the Philippines na susunod sila sa naturang direktiba.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Mina Navarro)