Ibinasura ng mga lider ng Mababang Kapulungan ang panukalang constitutional convention para amiyendahan ang Konstitusyon, sa halip ay idadaan na lang ito sa constituent assembly.

Ayon kay Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, ang amiyenda sa 1987 Constitution ay isusumite sa ratipikasyon sa isang plebesito na maaaring gawin sa 2019, kasabay ng mid-term elections.

Ang bagong gobyerno sa ilalim ng bagong Konstitusyon ay magsisimula naman sa 2022, tatlong taon matapos ang transitory provision.

“Ang problema kasi ay budget, maraming kailangang pera especially in increasing the salaries of police and military personnel. Mahihirapan si Secretary (Benjamin) Diokno to allocate that big amount of money for ConCon,” ayon kay Alvarez sa harap ng Management Association of the Philippines.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito umano ang dahilan kung bakit sa constituent assembly na lamang idadaan ang pagbabago sa Saligang Batas.

Sa amiyenda, bubuuin ang ‘federal system of government’ kung saan 11 states ang itatatag sa bansa, magkakaroon ng parliament, at mayroon pa ring presidente na iboboto. (Ben R. Rosario)