280716_PASAY TASK FORCE DELTA FIRE_Kasiban-6 copy

Himbing na himbing sa pagkakatulog ang apat na bata nang sumiklab ang apoy sa isang residential area sa Sitio Pag-asa, Pasay City nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Kinilala ni Chief Superintendent Ronald Bañago, regional director ng BFP-National Capital Region, ang magkakapatid na sina John Gero Guarino, 8, Ayah Shantal, 5 at Patrick Ariz Romano, 5 buwan; at kapit bahay na si Kim Regine Argarin, 7. Pawang mga resident eng Wella Compound, Sitio Pag-asa 2, Bgy. 201, Zone 20, Pasay City.

Ayon kay Fire Officer 1 Jerome Raquiño, arson investigator, nagsimula ang apoy sa bahay ng mga biktima dakong 9:54 ng gabi nitong Miyerkules sanhi nang napabayaang kandila.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

“Hindi na naisama ng nanay ‘yong mga anak niya dahil nataranta raw siya,” pahayag ni Raquino.

Ayon kay Raquino, ang ina ng mga biktima na si Ruby Guarino, nasa hustong gulang, ay mabilis na lumabas sa kanilang nasusunog na tahanan at nakalimutang nasa loob pa ang kanyang tatlong anak. Nagtamo siya ng third degree burn at isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

Tuluyang naapula ang apoy dakong 3:00 ng umaga kahapon, natagpuang magkakatabi ang bangkay ng magkakapatid at hindi sa kalayuan ay natagpuan naman ang sunog na katawan ni Argarin, na ang ina na si Harmela, ay isinugod din sa ospital matapos malapnos ang balat.

Aabot sa 400 pamilya ang naapektuhan habang 100 bahay ang naabo sa nangyaring insidente. Aabot naman sa P950,000 halaga ng ari-arian ang napinsala, dagdag Raquino. (MARTIN A. SADONGDONG at BELLA GAMOTEA)