GATTARAN, Cagayan – Isang barangay kagawad na ikasiyam sa drug watchlist sa bayang ito ang naaresto sa pagpapatupad ng search warrant laban sa kanya sa Sitio Rissik, Barangay Mabuno, Gattaran.

Ayon kay Chief Insp. Harvey Pajarillo, hepe ng Gattaran Police, nauna nang isinuko ni Gilbert Dela Cruz, 42, kagawad ng Bgy. Mabuno, ang sarili sa Oplan Tokhang ng pulisya pero nakumpirmang patuloy pang nasasangkot sa droga.

Dakong 6:00 ng umaga nitong Martes nang ipatupad ang search warrant laban kay Dela Cruz sa Sitio Rissik, Bgy. Mabuno, Gattaran.

Nakumpiska mula sa suspek ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang homemade shotgun, isang .38 caliber revolver, 15 bala ng .22 caliber at drug paraphernalia. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol