DEM 2016 Convention_Luga (2) copy

PHILADELPHIA (AFP/Reuters) – Si Hillary Clinton ang naging unang babae sa kasaysayan na nasungkit ang White House nomination ng isang malaking partidong politikal sa US noong Martes matapos suportahan ng Democrats sa convention sa Philadelphia.

Ang 68-anyos na dating first lady, senator at secretary of state ay nalalapit na sa pangarap na maging unang babaeng pangulo ng Amerika matapos talunin ang karibal na si U.S. Senator Bernie Sanders, na mismong nag-nominate sa kanya na maging pambato ng Democratic Party.

Makalalaban ni Clinton sa halalan sa Nobyembre 8 si Donald Trump ng Republican Party.

Human-Interest

200 footprints ng dinosaur natagpuan sa England?

Makalipas ang ilang oras, lumabas sa entablado si dating President Bill Clinton, 69, upang bigyang-diin ang kasaysayang inukit ng kanyang asawa na inilarawan niya ay malasakit at ang ‘’change-maker’’ na kailangan ng Amerika.

‘’Hillary is uniquely qualified to seize the opportunities and reduce the risks we face, and she is still the best darn change-maker I have ever known,’’ sabi ni Bill Clinton sa libu-libong delegado sa kanyang 45-minutong talumpati.

‘Today, you nominated the real one…That’s why you should elect her because she’ll never quit on you,’’ diin ni Bill.

Lumabas si Hillary Clinton sa video matapos ang talumpati ng kanyang asawa.

‘’What an incredible honor that you have given me,’’ sabi niya sa naghiyawang tao. ‘’This is really your victory.’’

‘’And if there are any little girls out there who stayed up late to watch, let me just say, I may become the first woman president but one of you is next,’’ dagdag niya.