Nanawagan si Pwersa ng Bayaning Atleta Partylist Congressman Jericho Jonas Nograles sa pulisya na gamitin ang buong puwersa upang hanapin at madakip ang isang Army reservist na suspek sa pagpatay sa isang biker dahil sa away-trapiko sa Quiapo, Maynila noong Lunes.

Ayon kay Nograles, ang gayong insidente ay dapat na maging “panggising” sa Kongreso upang agad magpasa ng batas na lilikha ng bike lane sa mga kalsada upang maprotektahan ang bikers.

Batay sa mga ulat, si Mark Vincent Geralde, 35, ay nagbibisikleta sa P. Pascal St. corner Aleguie St. sa Barangay 385, Quiapo, Maynila nang biglang humarang sa kanyang daanan ang kotseng Hyundai Eon (conduction sticker MO3746) ni Vhon Tanto. Nagtalo ang dalawa at nagsuntukan hanggang sa barilin ng suspek ang biktima. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'