Chopard At The Weinstein Company's Academy Awards Nominees Dinner In Partnership With Chopard, DeLeon Tequila, FIJI Water And MAC Cosmetics

“I forgive. It’s gonna take a long time to trust, but we’ve been together 36 years, 34 of marriage… I just can’t think of my life without him,” pahayag ni Sharon Osbourne sa episode ng daytime show na The Talk noong Lunes.

Bagamat napatawad na niya ang kanyang asawa, pagbibirong sinabi ni Sharon sa manonood ng daytime show na si Ozzy, “gonna pay big.”

Sinabi rin ng television host na ang kanyang asawa – na tinawag niyang “dirty dog” – ay nakaramdam ng hiya tungkol sa cheating scandal.

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar

“He feels that he owes everybody here an apology, because he’s put us all through it. He’s very embarrassed and ashamed about his conduct,” ani Sharon.

Nitong nakaraang Mayo, inihayag ni Sharon ang pakikipaghiwalay sa Black Sabbath frontman pagkaraan ng 33 taong pagsasama nila bilang mag-asawa – kasunod ng mga balita sa umano’y affair ni Ozzy.

Sa magkahiwalay na interview sa Good Morning America, kinumpirma ni Ozzy na sila ni Sharon ay “back on track.”

“We are married, all is good,” sabi niya sa morning show.

Ipinaliwanag din niya ang kanyang panig tungkol sa balitang pagtataksil: “You just, you make mistakes, and you learn by your mistakes, I think.” (MB ENTERTAINMENT)