GABBI GARCIA1 copy copy

“INDESCRIBABLE” ang isa sa mga feedback na nakuha ng Encantadia mula sa Kapuso viewers matapos ang makapanindig-balahibong pilot week nito. Labis-labis ang pasasalamat ng lead stars nito sa netizens na agad bumuhos ang suporta sa iconic GMA telefantasya.

Para kay Gabbi Garcia na gumaganap bilang si Sang’gre Alena, inspirasyon ang ibinibigay na reaction mga kanilang viewers.

“Ang sarap sa feeling kasi kami mismo, iisa ‘yung goal namin which is magustuhan nila (ang show). Kaya ‘yung passion namin and ‘yung pagmamahal namin sa show, ang sarap sa feeling na nata-transfer din namin sa viewers. Pati sila, inaabangan na nila gabi-gabi,” masayang bulalas ni Gabbi.
Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho