Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang mga kawal ng pamahalaan na pasabugin ang mga barkong nagdadala ng droga sa bansa.

“If I had just the plane and time I could…ang sinasabi ko --- sabi ko sa military, ‘pag nakita ninyo e ‘di pasabugin mo maski nag-surrender ‘yan, may white flag, pang-giyera lang iyan, hindi iyan pang-kriminal. Pasabugin mo,” ayon sa Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

“Show no mercy to them because they are not doing any mercy to us anyway,” dagdag pa ni Duterte na nangakong hindi tatantanan ng kanyang gobyerno ang laban sa droga hanggang hindi natutumba ang pinakahuling drug lord, drug financier at drug pusher. (Genalyn Kabiling)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20