yulia copy

MOSCOW (AP) — Walang total ban para sa Russian athletes, ngunit malinaw ang panawagan ng International Olympic Committee (IOC) –Bawal sa Rio Olympics ang may sabit sa droga.

Bunsod nito, inalis ng Russian Swimming Federation sa line-up na isasabak sa Rio Games ang pitong atleta, kabilang ang tatlo na direktang isinasabit sa nabulgar na cover-up sa doping test ng state-run laboratory ng Russia.

Kabilang si reigning world 100-meter breaststroke champion Yulia Efimova sa apat na Russian swimmer na inalis ng federation bunsod nang kanilang pagkakadawit sa droga, ayon sa International Swimming Federation (FINA) nitong Lunes (Martes sa Manila).

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Sabit din sina Natalya Lovtsova, Anastasia Krapivina at Mikhail Dovgalyuk.

Ipinahayag ng IOC nitong Linggo (Lunes) ang pagbasura sa panawagan ng World Anti-Doping Agency (WADA) para sa total ban sa Russian delegation sa Rio, ngunit pinagbawalan ang mga atleta na may record ng doping.

Pinangalanan din ni WADA investigador Richard McLaren sina 2008 Olympic silver at 2012 bronze medalist Nikita Lobintsev, bronze medalist Vladimir Morozov and world junior record holder Daria Ustinova na direktang sangkot sa doping test na dinaya ng Russian laboratory.

Ayon kay Russian sports official Alexander Zhukov, may kabuuang 13 atleta mula sa swimming, cycling, weightlifting, wrestling at rowing ang inalis na sa line-up bunsod ng doping.

Nauna nang kinatigan ng IOC ang desisyon ng International Athletics Federation (IAAF) para sa total ban ng buong Russian athletics team.

Nakatakda ang Rio Olympics sa Agosto 5-21.