Mga Laro Ngayon
(Xinzhuang gym)
1 n.h. -- Egypt vs India
3 n.h. -- Korea vs Iran
5 p.m. – PH-Mighty vs Japan
7 p.m. – US-SSU vs Taiwan-B
PH-Mighty Sports sa Jones Cup, target ang japan.
NEW TAIPEI CITY, Taiwan – Hindi man kasing-lupit ni Jimmy Alapag sa three-point shooting, nasa katauhan ni Fil-American Jason Alexander Brickman ang kalidad nang isang matibay na shooting guard sa PBA at sa international tourney.
Hindi maikakaila na malaki ang naiambag ng 5-foot-9 na si Brickman sa dalawang sunod na panalo ng Philippine-Mighty Sports Apparels sa William Jones Cup dito.
Agaw-atensiyon si Brickman laban sa mas malalaking import ng Mighty Sports sa dikitang panalo ng Team Philippines laban sa Taiwan-A, 89-81, nitong Sabado, gayundin sa matikas na Korea 86-65 nitong Linggo ng gabi.
“Jason is definitely PBA-ready. He’s got the body strength for it and the skills to deliver the goods the team needs,” sambit ni National coach Bo Perasol.
“He can easily go up against the veteran PBA playmakers.”
Sa bilis at diskarte, sadyang hindi pahuhuli si Brickman kung kaya’t ngayon pa lamang ay inaasahan na ni Perasol na may pintuang magbubukas sa PBA para rito.
Laban sa Japan Lunes ng gabi, kumpiyansa si Perasol na mas tataas ang kalidad ng opensa ng Mighty Sports.
“He’s now have the clear view of the team, he already knows the strength of his teammates so watch out for him,” pahayag ni Perasol.
Pinangunahan ni Brickman ang Malaysia sa kampeonato ng ASEAN Basketball League (ABL) nitong Enero kung kaya’t hindi na ito estranghero sa pressure.
Mismong si ESPN analyst Jay Bilas ang buhay na patotoo sa tunay na abilidad ni Brickman.
“He really understands angles very well, and he does a really nice job of managing the game. An excellent passer,” aniya. (REY C. LACHICA)