Ratsada ang defending champion na San Beda College sa ikaanim na sunod na panalo nang gapiin ang San Sebastian College, 74-66, kahapon sa NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Nagtala ng 30 puntos at 14 rebound si Sam Abu Hijle upang pamunuan ang nasabing panalo ng Red Cubs.

Nananatili namang bokya ang Staglets sa pitong laro, sa kabila ng matikas na opensa ni Wendell Binarao na nagposte ng 25 puntos.

Nasolo naman ng University of Perpetual ang ikaapat na puwesto nang pabagsakin ang Letran Squires, 88-68.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Umiskor ng 23 puntos at 10 rebound si Jielo Razon upang giyahan ang panalo ng Junior Altas, umangat sa 4-3 marka.

Nanguna para sa Squires (3-4) si Kiefer Cordero na may 15 puntos at walong rebound. (Marivic Awitan)