IPINAGDIRIWANG ang Liberia Independence Day bilang ang araw noong 1847 nang makamit ng bansa ang kalayaan mula sa United States. Ang Konstitusyon na katulad ng sa US ay binuo noong 1847. Pagsapit ng Hulyo ng nasabing taon, naging malaya na ang Liberia. Ito ang National Day para sa mamamayan ng Liberia at ipinagdiriwang tuwing Hulyo 26 ng bawat taon sa pagwawagayway sa watawat, pagdaraos ng mga parada, mga pagtatanghal, mga talumpati mula sa pinakamatataas na opisyal ng gobyerno, at iba pang mga kasiyahan.

Ngayong taon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indepedence Day ng bansa, namahagi si Pangulong Ellen Johnson Sirlief ng mga pagkain kabilang ang bigas at kahun-kahong isda sa iba’t ibang komunidad na tumutulong sa mga taong may kapansanan sa Monrovia, na bahagi ng mga rehiyon ng Montserrado at Bomi. Ito ay isang tradisyon ng Independence Day na nagpapamalas sa malasakit ng Pangulo ng Liberia sa kapakanan ng publiko. Nakatakda ring makinabang sa kawanggawa ay ang mga residente sa mga rehiyon ng Grand Bassa, Margibi, at Bong.

Ang Liberia ay isa sa dalawang bansa sa Africa—ang isa ay ang Ethiopia—na hindi nasakop ng mga manlalayag na Europeo.

Ang kaugnayan nito sa United States of America ang naging katangi-tangi sa kasaysayan nito kumpara sa ibang mga bansa sa Africa. Ikinokonsidera ito bilang una at pinakamatandang republika sa Africa. Matatagpuan ito sa West African Coast at nahahanggan ng Sierra Leone sa kanluran, Guinea sa hilaga, at Ivory Coast sa silangan. Binubuo ang mga coastline forest nito ng bakawan, habang ang lupaing bahagi ng kagubatan ay tumutumbok sa isang kapatagan ng talahiban. Ang Monrovia ang sentro ng Liberia sa larangan ng kultura, pulitika, at pananalapi.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

May ilang nakawiwiling lugar sa Liberia, kabilang ang Liberia National Museum sa Monrovia; Sapo National Park sa Sinoe Country; Providence Island; at Lake Piso, na kilala rin bilang Lake Pisu at Fisherman’s Lake, isang hugis oblong na tidal lagoon sa Grand Cape Mount County sa kanlurang Liberia.

Ang Liberia ay ang unang miyembro ng United Nations at ng mga ahensiya ng kadalubhasaan nito, ang African Union, ang Economic Community of West African States, ang African Development Bank, at ang Mano River Union (MRU), at ang Non-Aligned Movement. Kasapi rin ang Liberia ng International Criminal Court na may Bilateral Immunity Agreement of protection para sa sandatahan ng Amerika.

Binabati namin ang Mamamayan at Gobyerno ng Republika ng Liberia, sa pangunguna ni President Ellen Johnson Sirleaf, sa pagdiriwang nila ng 169th Independence Day.