Nakilala na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang bangkay ng sinasabing hitman at drug pusher na natagpuan sa Navotas City noong Hulyo 19.

Sa ekslusibong panayam, sinabi ni Navotas City Police chief Sr. Supt. Dante Navicio na ang dalawang bangkay na natagpuan kamakailan ay sina Dave Cabanguis, 32, at Dante Escaran, 29. Kapwa taga-Navotas City.

Ang dalawang lalaki ay pinaniniwalaang biktima ng summary execution.

Base sa imbestigasyon, parehong nakabalot ng duct tape ang ulo ng mga biktima, mahigpit ang pagkakagapos, at parehong may tama ng bala ng baril ang kanilang mga ulo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Walang suot na pang-itaas sina Cabanguis at Escaran nang sila’y matagpuan, ayon sa mga saksi.

Ayon kay Novicio, natagpuan ang bangkay ni Escaran malapit sa C3 Bridge sa Barangay North Bay Boulevard North dakong 1:00 ng madaling araw. Habang si Cabanguis ay natagpuan sa kahabaan ng Bgy. North Boulevard South dakong 2:00 ng madaling araw.

Dahil dito, ayon pa kay Novicio, malaki ang posibilidad na magkaugnay ang pagkakapatay kina Escaran at Cabanguis.

(Jel Santos)