Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon ng transport network vehicle service (TNVS), katulad ng Grab at Uber sa Metro Manila.

Sa memorandum circular No. 2016-008, ipinag-utos ng LTFRB sa kanilang mga technical division at lahat ng regional office nito na “itigil muna ang pagtanggap ng TNVS applications na may mga panukalang ruta sa kamaynilaan, habang nakabinbin pa ang pag-aaral sa umiiral na patakaran nito.

“Pending review of existing policies, and other relevant and pressing issues of franchise to TNVS, the Board hereby orders the suspension of the acceptance of all TNVS application proposing to ply on the route within Metro Manila or entering Metro Manila,” bahagi ng morandum ng LTFRB.

Gayunman, nilinaw ng ahensya na ang suspensyon ay para lamang sa mga bagong aplikasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Current applications already filed will be processed and resolved upon in accordance with the rules,” ayon pa sa ahensya. (Rommel Tabbad)