NEGROS ORIENTAL – Isang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Guihulngan City sa Negros Oriental.

Ayon kay Lt. Col. Eugene Badua, commander ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army, Hulyo 20 sumuko sina Jornie Villacanao Lacio, alyas “Tortor”; at Jona Balasbas Lacio, alyas “Rose” makalipas ang 15 taong pagsisilbi bilang mga opisyal ng NPA sa Central Negros. Isinuko rin nila ang kanilang mga armas.

Nilinaw din ni Badua na hindi dinukot at kusang sumuko ang mag-asawang Lacio makaraang igiit ng Kauswagan sa Maguuma sa Buenavista (KMB), grupong kaalyado ng NPA-Negros, na dinukot ng militar ang dalawa. (Edith B. Colmo)

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril