Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- letran

vs University of Perpetual

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

2 n.h. -- Mapua vs San Sebastian

4 n.h. -- San Beda vs Arellano

Dinugtungan ng Jose Rizal University ang pagkakasadsad ng Emilio Aguinaldo College-ICA sa dominanteng 85-67 panalo sa NCAA Season 92 basketball tournament juniors division kahapon, sa San Juan Arena.

Nagtala ng doble-double -- 26 na puntos at 15 rebound -- si Toby Agustin, habang kumana ng 10 puntos si John Berwite para sandigan ang Light Bombers sa ikalawang panalo sa anim na laro.

Nanatili namang nakasadlak ang Brigadiers sa ikaanim na sunod na kabiguan.

Nag- ambag naman ng 12 puntos si Jeremiah Guzman at tig-11 puntos sina Timothy Ballad at Kobe Caballero para sa JRU.

Nanguna sa Brigadiers si CJ Boado na may 20 puntos, kasunod si Maui Cruz na tumapos na may 12 puntos.

Sa isa pang laro, naipuwersa ng Lyceum ang four-way tie sa kartang 3-3 nang gapiin ang CSB- La Salle Greehills, 82-77.

Nagtala ng tig-16 puntos sina Mclaude Guadana at Chester Jungco upang pamunuan ang Junior Pirates habang nabalewala ang game high 24 na puntos ni Troy Malinlin dahil bumagsak ang Junior Blazers sa ikatlo nilang pagkabigo. (Marivic Awitan)